Signaling system ng MRT-3 nagkaproblema; biyahe ng tren saglit na naantala
Nakaranas ng problema sa signaling system ang MRT-3 umaga ng Miyerkules (May 24).
Sa inilabas na abiso ng pamunuan ng MRT-3 naranasan ang problema 5:16 ng umaga dahilan para magkaroon ng service interruption.
Agad namang naibalik ang full operations 5:42 ng umaga.
Ayon sa Control Center ng MRT-3, nag-display ng abnormal status ang
signaling system na agad din namang naresolba.
Humingi ng naman ng paumanhin si MRT-3 Officer-in-Charge and DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino sa mga naapektuhang pasahero. (DDC)