Manila Central Post Office tinupok ng apoy

Manila Central Post Office tinupok ng apoy

Nasunog ang Manila Central Post Office sa lungsod ng Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 11:00 ng gabi ng Lingg (May 21) at itinaas ng Bureau of Fore Protection ang general alarm bago mag-6:00 ng umaga ng Lunes (May 22).

Ayon naman sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office naideklara nang under control ang sunog 7:22 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa basement ng gusali nagsimula ang apoy na kumalat sa iba pang bahagi nito.

Ayon naman sa chief of staff ng postmaster general na si Mark Laurente, ang apoy ay nagsimula sa kanilang maintenance room at storage room ng kanilang Mega Manila Office.

Ang Central Post Office ang isa sa mga makasaysayan at iconic na pasilidad sa Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *