Pagpapalabas ng P15.1B na pondo para sa pagpapagawa ng 5,000 na silid-aralan inaprubahan ng DBM

Pagpapalabas ng P15.1B na pondo para sa pagpapagawa ng 5,000 na silid-aralan inaprubahan ng DBM

Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng pondong mahigit P15.1 billion sa pagpapagawa ng 4,912 na mga silid-aralan sa buong bansa.

Ito ay base sa kahilingan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at Department of Education (DepEd) upang makapagtayo at makumpuni ang mga classroom para makasabay sa pagtaas ng bilang ng enrollment sa mga pampublikong paaralan ayon kay Pangandaman.

Una nang tinukoy ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang kakulangan sa classroom ang pangunahing isyu sa edukasyon.

Una nang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang budget message na bibigyan prayoridad ang pagpapagawa ng mga bagong silid-aralan sa ilalim ng Basic Education Facilities (BEF) ng DepEd sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.

Ang inaprubahang pondo ay ilalaan sa
pagpapagawa, pagpapalit at pagkukumpleto ng mga kindergarten, elementary at secondary school buildings at technical vocational laboratories; paglalagay o pagpapalit ng disability access facilities; pagpapagawa ng water at sanitation facilities; at site improvement.

Gagamitin din ang pondo para sa gastusin sa Engineering and Administrative Overhead (EAO), kasama rito ang pagkuha ng mga tao; pagsasagawa ng preliminary at detailed engineering activities; pre-construction activities; construction project management; testing at quality control; acquisition, rehabilitation at repair ng related equipment at parts; training, communication, per diem, at transportation expenses; at contingencies na may kinalaman sa pre-construction activities. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *