Extension office ng OVP binuksan sa Tondo, Maynila
Binuksan ang Office of the Vice President Public Assistance Division Tondo Extension Office (OVP Tondo EO) sa Tondo Maynila.
Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang isinagawang ribbon-cutting ceremony sa pasilidad sa Barangay 101 sa Mel Lopez Boulevard.
Ito ay para mailapit sa mga residente ng lugar ang Medical and Burial (MAB) assistance na iniaalok ng OVP.
Noong April 18, nagbukas din ang OVP ng unang extension office nito sa Lipa, Batangas.
Sinabi ni VP Duterte na marami sa mga naninirahan sa Tondo ang nangangailangan ng mga serbisyo at programa mula sa pamahalaan.
Hangad aniya ng OVP na mapagsilbihan at mabigyan ng tulong ang mga ito pamamagitan ng mga ipinatutupad na programa at proyekto.
Sa ngayon ang OVP ay mayroon ding 8 satellite office sa mga lungsod ng Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, Bacolod, Tandag at Cauayan. (DDC)