99 pang Pinoy galing Sudan nakauwi na ng bansa
Nakabalik na ng bansa ang 99 pang Pinoy galing ng Sudan.
Ito ay kaugnay ng nagpapatuloy na repatriation efforts ng pamahalaan sa mga Pinoy na naipit sa kaguluhan sa sa nasabing bansa.
Dumating ang 99 na Pinoy lulan ng SV 870 mula Jeddah, Saudi Arabia sa NAIA Terminal 1.
Sinalubong sila at kinumusta ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Tulad ng mga unang ibinigay na assistance, bukod sa airport assistance, nagpaabot din ang pamahalaan ng food assistance, hotel accommodation kung kinakailangan habang naghihintay ng flight sa kanilang probinsya sa Visayas/Mindanao, transportation assistance at financial assistance mula sa DMW-OWWA sa mga dumating na Pinoy. (DDC)