Pang. Marcos nakipagpulong kay U.S. Vice Pres. Kamala Harris

Pang. Marcos nakipagpulong kay U.S. Vice Pres. Kamala Harris

Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. Vice President Kamala Harris ang pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng digital inclusion at clean energy economy.

Nakipagpulong si Marcos kay Harris sa U.S. Naval Observatory, Washington, D.C.

Tinalakay din ng dalawang lider ay ang pagsiguro ng kapayapaan sa West Philippine Sea.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagtungo si Harris sa Puerto Princesa, Palawan.

Binanggit ni Harris ang patutulungan ng Philippine at US Coast Guard para mapanatili ang seguridad sa West Philippine Sea.

Kasama rin sa nasabing pulong sina First Lady Louise Araneta-Marcos, Speaker Martin Romualdez, Ambassador Jose Manuel Romualdez, Mrs. Maria Lourdes Romualdez, at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *