Problema sa suplay ng kuryente sa Negros at Panay tinutugunan na ng pamahalaan – PBBM

Problema sa suplay ng kuryente sa Negros at Panay tinutugunan na ng pamahalaan – PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na minamadali ng gobyerno ang hakbang nito para masolusyonan ang problema sa suplay ng kuryente sa Negros at Panay.

Sa panayam sa pangulo sinabi nitong ang ugat ng problema ay ang distribution system.

Batay sa mga ulat, noong nakaraang linggo ay nakaranas ng power outages sa Guimaras, Panay, at Negros.

Tiniyak din ng pangulo na gumagawa ng paraan ang administrasyon para maisaayos ang water at power consumption ng bansa.

Kamakailan tinugunan ng administrasyon ang power crisis sa Occidental Mindoro matapos paganahin ang tatlong power stations para masiguro ang 24-hour electricity power service sa lalawigan.

Sa ulat ng Malakanyang sa National Electrification Administration (NEA) si NEA chief Antonio Mariano Almeda ay nakipagpulong
kay Luis Manuel Banzon, ang may-ari ng Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) para talakayin ang mga posibleng remedyo sa nararanasang power crisis.

Napagkasunduan sa pulong ang pagpapagana sa tatlong power stations mng OMCPC para matugunan ang problema sa suplay ng kuryente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *