Anim na lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index
Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa anim na lugar sa bansa araw ng Miyerkules, Apr. 26.
Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:
• Legazpi City, Albay – 45 degrees Celsius
• Catarman, Northern Samar – 43 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 43 degrees Celsius
• Roxas City, Capiz – 42 degrees Celsius
• Sangley Point, Cavite – 42 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42 degrees Celsius
Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.
Sa PAGASA Sciene Garden sa Quezon City umabot sa 38 degrees Celsius ang naitalang heat index.
Habang sa NAIA, Pasay City naman ay 40 degrees Celsius. (DDC)