Unang kaso ng XBB.1.16 Omicron subvariant na-detect sa Iloilo

Unang kaso ng XBB.1.16 Omicron subvariant na-detect sa Iloilo

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na sa bansa ng unang kaso ng XBB.1.16 Omicron subvariant.

Ang nasabing sub variant ay tinatawag ding “Arcturus” sa mga bansang naapektuhan na nito.

Ayon sa DOH, ang “Arcturus” variant o XBB.1.16 ay sublineage ng Omicron na mas nakahahawa at mayroong kakayahang labanan ang immunity ng tao.

Sa update naman ng DOH, ang unang kaso ng nasabing variant na naitala sa Iloilo Province ay asymptomatic at naka-recover na.

Sa latest risk assessment ng World Health Organization (WHO) walang pagbabago sa severity sa mga bansang nakapagtala ng kaso ng XBB.1.16.

Sa India at Indonesia, nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa bed occupancy subalit mas mababa pa din kumpara sa naging epekto noong nagdaang mga variant.

Paalala ng DOH sa publiko, patuloy na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, agad na pag-isolate kapag may sintomas at pagtitiyak ng maayos na airflow.

Payo din ng kagarawan sa publiko, magpabakuna kontra COVID-19 at tumanggap ng booster shots dahil ito ang pinaka-epektibong paraan upang makaiwas sa malalang epekto ng sakit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *