Pagtatayo ng food terminal system sa planong BuCor Global City, ipinabatid sa DA

Pagtatayo ng food terminal system sa planong BuCor Global City, ipinabatid sa DA

Ipinaalam na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang sa Department of Agriculture (DA) ang kanilang interes na magtayo ng isang Food Terminal System (FTS) sa planong BuCor Global City na ikinunsidera sa pagbuo ng Master Development Plan para sa paggamit ng National Bilibid Prison (NBP) Estate.

Ayon kay Catapang, naghahanap ang DA ng 50 hanggang 70 na ektaryang lupa na pagtatayuan ng FTS na layung buksan ang plataporma para sa tuluy-tuloy na transportasyon ng mga produktong pagkain na siguruhing sapat ang supply sa risonableng presyo, sariwa at masustansiyang pagkain para sa mamamayan.

β€œThe FTS is a key project of the DA in achieving food security and the BuCor is very much willing to partner with them in leading the agro-industrial efforts across the country to promote agribusiness and help attain food security,” ani Catapang.

Hinikayat ni Catapang ang DA na kunin ang mga lote na katabi ng kanilang prison and penal farms upang malapit ang kanilang pagtutulungan. Idinagdag din nito na ang DA ang magbibigay sa kanila ng farm inputs at ang BuCor naman ang magkakaloob ng labor o paggawa sa pagsasaayos ng lupa.

“We will be hitting two birds with one stone as this endeavor will help provide food security for the Filipino people and at the same time, our persons deprived of liberty (PDLs) will earn something for their families,” diin ni Catapang.

Bukod sa FTS, inatasan naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si Catapang na maglaan ng 80 na ektaryang lupa buhat sa 375 .61 na ektarya sa planong bagong Global City para sa socialized housing ng mga informal settlers, BuCor employees at retirees, at ibang kawani ng pamahalaan.

Ang posibilidad ng lugar ay walang katapusan dahil maaari aniya itong satellite government center sa katimugan para sa one stop transactions o isang digital city ng mga pribadong kumpanya.

“The BuCor Global City will not be for sale but will be offered for long term lease β€œ para habang tumataas ang value ng lupa, tumataas din ang renta,” paglilinaw ni Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *