Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Ang epicenter ng pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 113 kilometers southeast ng Governor Generoso, 7:20 ng umaga ng Martes, Apr. 25.
May lalim na 97 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental; Malungon, Sarangani at sa General Santos, South Cotabato.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng aftershocks ang naturang pagyanig. (DDC)