Pag-iral ng Number Coding sa Apr. 21 suspendido ayon sa MMDA
Suspendido ang pag-iral ng number coding sa ara wng Biyernes, April 21.
Ito ay dahil deklaradong holiday ang nasabing petsa para sa paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan sa bisa ng Proclamation No. 201 ng Malakanyang.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), malayang makabibiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa 9 at 0.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga bibiyahe sa nasabing long weekend na planuhin ng maaga ang biyahe at maging maingat sa pagmamaneho. (DDC)