Mas maraming lugar sa Luzon at Visayas isinailalim sa Signal No. 1 dahil sa Bagyong Amang
Bahagyang bumilis ang bagyong Amang habang nasa bahagi pa rin ng Virac Catanduanes.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 270 kilometers East ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Albay
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Calauag, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Guinayangan, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Tagkawayan, Pagbilao, City of Tayabas) including Pollilo Islands
– Marinduque
– Masbate including Ticao Island
– Burias Island
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
– Biliran
Ayon sa PAGASA mananatili sa karagatan ang bagyo.
Gayunman, hindi inaalis ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan ng Bicol.
Mananatili ding tropical depression ang bagyo at posibleng humina bilang Low Pressure Area sa Huwebes o Biyernes. (DDC)