Mga bahay at establisyimento tinupok ng apoy sa sunog sa Bontoc. Mt. Province; klase suspendido ngayong araw

Mga bahay at establisyimento tinupok ng apoy sa sunog sa Bontoc. Mt. Province; klase suspendido ngayong araw

Tinupok ng apoy ang ilang residential area at establisyemento sa Barangay Centro, Bontoc Mountain Province.

Nangyari ang sunog 2:30 ng madaling araw ng Martes (Apr. 11).

May mga nasunog ding ilang tricycle at sasakyan.

Nagtulong-tulong ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police (PNP) at iba pang fire volunteers sa pag-apula ng apoy.

Inaalam pa ng BFP kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng Provincial Government ng Mountain Province ang laki ng pinsalang iniwan ng sunog.

Dahil sa sunog nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas, public at private si Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *