COVID-19 positivity rate sa NCR at ilang lalawigan sa Luzon, tumaas sa nakalipas na pitong araw
Nakapagtala ng pagtaas sa COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at sa ilang mga lalawigan sa bansa.
Ayon sa datos mula sa OCTA Research, nasa 4.4 percent ang positivity rate sa NCR noong Apr. 1 na mas mataas kumpara sa 3.2 percent noong March 25.
Nananatili namang nasa ‘low’ pa din ang nasabing positivity rate sa Metro Manila.
Samantala, nakapagtala din ng pagtaas sa positivity rate sa lang mga lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang sa Benguet nasa 5.5 percent (moderate) mula sa 3.3 percent, Camarines Sur – 10.4 percent (moderate), at Isabela – 6.2 percent (moderate).
Bagaman nananatiling nasa “low” ay may pagtaas din sa positivity rate sa Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Pangasinan. (DDC)