NCRPO handa na para sa Ligtas SUMVAC 2023

NCRPO handa na para sa Ligtas SUMVAC 2023

Alinsunod sa OPLAN Ligtas SumVac 2023, tinitiyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapaigting ng police presence at police visibility sa Metro Maynila lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa panahong ito.

Nagpakalat ang NCRPO ng 6,213 na pulis sa mga lugar ng pagtitipon, simbahan, pangunahing kalsada, sakayan at terminal upang magbigay ng dekalidad na serbisyo at asistehan ang mga kababayan habang papasok o palabas sila ng Metro Manila.

Sinabi ni NCRPO Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo na bilang karagdagan ay nagtalaga din siya ng 1,898 na Reactionary Standby Support Force, ang puwersa na gagamitin kung sakaling kailanganin pa ng mas maraming presensiya ng pulis.

Bukod pa rito aniya ang augmentation na manggagaling sa mga allied units at force multipliers na aabot sa 3,978 na katao.

Ayon kay RD Okubo sa kabuuan ay nakapaglaan ng pinagsanib na puwersang hindi bababa sa 10,191.

Aniya magtatagal ang deployment mula Abril 2 hanggang sa ika 31 ng Mayo.

Walang naitala ang NCRPO na anumang report na dapat ikabahala ng ating mga kababayan ang lahat aniya ng paghahanda ay upang mapagaan ang kanilang biyahe partikular dito sa NCR.

Inihayag pa ni Okubo na magsasagawa sila kasama ang pamunuan ng PNP ng inspeksyon sa iba’t ibang terminal at sakayan upang masiguro na maayos ang lagay ng ating mga kababayan at natutugunan ng kapulisan ang kanilang pangangailangan.

Sa ngayon aniya sa pangkalahatan ay mapayapa ang kalagayan ng buong Kamaynilaan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *