Wawa Dam sa Montalban, Rizal isinara sa mga turista

Wawa Dam sa Montalban, Rizal isinara sa mga turista

Pansamantalang isinara sa mga turista ang Wawa Dam at iba pang mga barangay sa Montalban, Rizal.

Ito ay matapos ang engkwentrong naganap sa pagitan ng mga militar at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakailan.

Sa pahayag ng Philippine Army, naka-engwentro ng mga sundalo ang humigit-kumulang sa 20 miyembro ng NPA sa Brgy. San Rafael noong Mar. 31 ng umaga.

Sa abiso ng pamahalaang bayan ng Montalban, dahil sa nangyaring enkwentro sa Sitio Ligtas sa naturang barangay ay sa patuloy na operasyon ng mga rebelde sa ilang mountain barangays gaya ng Puray, Mascap at Macabud, ang mga nasabing lugar, kabilang ang Sitio Wawa ay pansamantalang isinara sa mga turista.

Dahil dito, hindi muna papayagan ang mga dayo sa Wawa.

Nitong nagdaang mga araw dumadagsa ang mga turista sa Wawa Dam. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *