Pope Francis bumubuti na ang kondisyon; maaaring makalabas na ng ospital sa susunod na mga araw

Pope Francis bumubuti na ang kondisyon; maaaring makalabas na ng ospital sa susunod na mga araw

Nananatili pa sa ospital si Pope Francis, bagaman bumubuti na ang kondisyon nito ayon sa pahayag ng Vatican.

Sa statement na inilabas ni Holy See Press Office director Matteo Bruni, kahit nasa ospital nakapagtrabaho pa din ang Santo Papa.

Ayon sa mga doktor ng Gemelli Hospital sa Rome, na-diagnose ang Santo Papa n may viral bronchitis at kinakailangan ng antibiotic therapy.

Sinabi ni Bruni na ayon sa mga doktor ay maaaring makalabas na din ng ospital si Pope Francis sa mga susunod na araw.

Ang 86 anyos na Santo Papa ay dinala sa ospital noong Miyerkules. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *