PANOORIN: Coast Guard nagsagawa ng maritime patrol sa West PH Sea; 20 barko ng China at Vietnam namataan sa Sabina Shoal

PANOORIN: Coast Guard nagsagawa ng maritime patrol sa West PH Sea; 20 barko ng China at Vietnam namataan sa Sabina Shoal

Marami pa ring barko ng China ang namataan sa West Philippine Sea sa isinagawang Maritime Patrol ng Philippine Coast Guard (PCG) mula March 16 hanggang March 21, 2023.

Nagsagawa ng pagpapatrulya ang BRP MALAPASCUA (MRRV-4403) sa Kalayaan Island Group (KIG) kung saan namataan ang mga foreign-flagged vessels kabilang ang China Coast Guard Vessels (CCGVs) at People’s Liberation Army-Navy (PLAN) Type 056A Jiangdao II Class Missile Corvette.

Sa Sabina Shoal, na-monitor din ng BRP MALAPASCUA ang presensya ng hindi bababa sa 20 Chinese at Vietnamese vessels.

Ilang ulit nagsagawa ng radio challenges ang barko ng PCG pero walang nakuhang tugon mula sa mga barko ng China at Vietnam.

Nag-deploy din ang Coast Guard ng Rigid-hull Inflatable Boats (RHIBs) para itaboy ang mga foreign flagged vessels.

Sa Pag-asa Island, namataan ang People’s Liberation Army-Navy vessel na may bow number 649.

Niradyohan din ito ng PCG at tumugon ang PLAN vessel ng kaparehong radio challenge.

Habang papabalik sa Buliluyan Port sa Palawan, sa bahagi ng Ayungin Shoal, namataan din ng BRP MALAPASCUA ang CCGV 5201 at nagsagawa ng radio challenges sa barko.

Pero lumapit pa ang naturang Chinese Vessel sa ng hanggang 1.2 NM sa Philippine Navy Vessel na BRP SIERRA MADRE.

Natanggap na ng National Task Force for the West Philippine Sea ang post-operation report sa naturang MARPAT mission ng BRP MALAPASCUA. (DDC)


 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *