Chinese nat’l timbog sa tangkang panunuhol ng P100K sa pulis sa Taguig

Chinese nat’l timbog sa tangkang panunuhol ng P100K sa pulis sa Taguig

Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police Substation 1 ang isang Chinese national matapos ang umano’y tangkang panunuhol ng halagang P100,000 sa otoridad kapalit ng pagpapalaya sa kanyang kaibigang kababayan.

Kinilala ang dinakip na dayuhang suspek na si Bin Li, 40-anyos, isang sales manager.

Nabatid na inaresto si Li sa himpilan ng Police Substation 1 sa panulukan ng 40th Street at 9th Avenue, BGC, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Nakumpiska sa suspek ang 100 na pirasong P1,000 bill at isang Alien Employment Permit (AEP) ID.

Ayon sa report,nagtungo ang suspek sa presinto at agad na tinanong ang kanyang nakakulong na kaibigan.

Duto umano kinausap ng suspek ang mga pulis para sa pabor at nag-alok ng naturang halaga ng pera kapalit ng pagpapalaya sa kanyang kaibigan na si Deng Jiliang, 33-anyos, isang Chinese national, IT sa Huawei, matapos maaresto sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sasampahan si Bin Li ng kasonv paglabag sa RA 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Law. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *