400 metric tons ng bigas na bigay ng South Korea ipinamahagi sa mga residente sa Misamis Oriental

400 metric tons ng bigas na bigay ng South Korea ipinamahagi sa mga residente sa Misamis Oriental

Nagbigay ng 400 metric tons ng bigas ang Republic of Korea – Ministry of Agriculture, Food, and Rural Affairs (ROK-MAFRA) sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, ang nasabing donasyon ng Korea ay ipinamahagi sa 10,000 pamilya na naapektuhan ng pagbaha at landslides sa Misamis Oriental.

Nagpasalamat si DA Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban sa South Korean government sa tulong nito sa mga residente ng lalawigan na naapektuhan ng kalamidad.

Ang South Korea ay ilang ulit nang nagbigay ng donasyong bigas sa Pilipinas kapag may panahon ng kalamidad.

Ito ay sa ilalim ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) Program na regional cooperation sa pagitan ng mga ASEAN country. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *