WATCH: Oil Spill sa Oriental Mindoro ginamitan ng absorbent pads ng PCG
Gumamit ng absorbent pads ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nagpapatuloy na oil spill recovery sa Oriental Mindoro.
Inilatag ng mga tauhan ng PCG ang absorbent pads upang malinis ang tubig mula sa tumagas na langis dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Ayon sa PCG, umabot na sa halos 8,000 litro ng oily water mixture at humigit-kumulang 100 sako ng oil-contaminated debris ang nakolekta ng PCG sa offshore response operations mula ika-01 ng Marso 2023.
Samantala, nasa 3,000 sako ng oily waste naman ang nakolekta sa shoreline response operations katuwang ang LGU, mga residente, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, at maritime stakeholders. (DDC)