P3.495 million na halaga ng shabu galing India, nakumpiska sa Pasay City

P3.495 million na halaga ng shabu galing India, nakumpiska sa Pasay City

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang susoek matapos nitong i-claim ang parcel sa Central Mail Exchange Center, Pasay City na naglalaman ng shabu.

Bago iclaim ang parcel isinailalim ito regular x-ray screening sa warehouse.

Idinineklara ang bagahe bilang “Universal Engineā€ na galing sa New Delhi, India.

Sa pagsusuri ay natuklasang naglalaman ito ng shahu na ibinalot sa asul na carbon paper.

Aabot sa 514grams ang bigat ng nakumpiskang shahu na tinatayang P3,495,200.

Nang kiniha ng claimant ang bagahe agad itong inaresto dahil sa paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *