Apat na crew ng isang motorbanca nailigtas sa Cagayan
Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na crew ng isang motorbanca sa Sta. Ana, Cagayan.
Pinasok ng tubig ang MB KIRAY habang naglalayag sa Palaui Island patungo sa Babuyan Claro matapos na mayroong tumamang dolphin sa bangka.
Agad itinapon sa dagat ng mga crew ang ilang carga ng bangka para maiwasang tuluyan itong lumubog habang naghihintay ng rescue.
Pawang nasa maayos namang kondisyon ang apat na crew. (DDC)