Singil sa kuryente sa Bacolod City, bababa

Singil sa kuryente sa Bacolod City, bababa

Bumaba ng P2.63 per kilowatt hour ang singil sa kuryente sa Bacolod City.

Ayon kay Bacolod City Mayor Albee Benitez simula noong Oktubre ng nakaraang taon ay isinusulong ng lokal na pamahalaan na mapababa ang singil sa kuryente sa lungsod.

Noong Enero, sumulat si Benitez sa Energy Regulatory Commission at sa CENECO para kuwestyunin ang dalawang magkaibang power rates na ipinatupad noong November 2022 mula sa iisang power generator.

Hiniling din ng alkalde na tignan ang posibilidad ng pagkakaroon ng pag-abuso sa power market.

Noong nakaraang linggo sinabi ni Benitez na nagpalabas na ang CENECO ng bagong power rates nito para sa buwan ng Marso.

Mula sa P16.2972/kWh noong Nobyembre ay ibinaba ito sa P13.6716/kWh. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *