PNP OIC chief Sermonia tiniyak na maibaibalik sa normal ang sitwasyon sa Negros Oriental
Nagtungo sa Negros Oriental si Philippine National Police (PNP) – OIC PLtGen. Rhodel Sermonia para personal na makiramay sa pamilya ni Gov. Roel Degamo.
Sa kaniyang pakikiramay sa pamilya ni Degamo at iba pang mga biktima sa krimen, tiniyak ni Sermonia ang commitment ng PNP upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Siniguro din ni Sermonia na gagawin ang lahat upang maibalik ang normalcy sa lalawigan para maging kalmado ang mga taga-Negros.
“Our presence here is to ensure that we can restore civility and normalcy in this province,” ayon kay Sermonia.
Ani Sermonia, nagtungo sila sa Negros para matiyak na mareresolba ang krimen at mahuli ang mga nasa likod nito.
Gayundin upang mawakasan ang culture of violence sa lalawigan na nagtulod na ng takot at pagkabalisa sa mga residente sa lugar.
Umapela si Sermonia sa mga mamamayan ng Negros Oriental na magtiwala sa PNP.
“I indulge you to trust us. We appeal for your cooperation, and we implore your support so we can move forward and have peace of mind,” dagdag ni Sermonia. (DDC)