5 Japanese crew ng isang barko nasagip ng Coast Guard sa Oriental Mindoro
Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang Japanese crew na sakay ng MV CATRIONA na nagkaproblema sa karagatang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro.
Natanggap ng Command Center ng PCG ang ulat hinggil sa nagkaproblemang barko kaya agad nakipag-ugnayan sa Coast Guard District Southern Tagalog at PCG Station Oriental Mindoro.
Nagsagawa naman agad ng search and rescue (SAR) operation umaga ng Sabado, March 11 ang PCG SAR team lulan ng BRP Habagat.
Kinilala ang mga nasagip na Japanese crew na sina:
– Itsuo Tamura, 86-anyos
– Hiromu Nishida, 83-anyos
– Hamagato Tsukasa, 80-anyos
– Osamu Kawakami, 74-anyos
– Hata Isamu, 74-anyos
Ayon sa mga Japanese crew, umalis sila ng Japan at patungo dapat ng Davao.
Habang nasa daan ay nasira ang MV CATRIONA kaya bahagyang tumagilid ang barko.
Isinailalim ng PCG SAR team sa medical check-up ang mga crew napawang nasa maayos namang kondisyon. (DDC)