Biyahe ng Pasig River Ferry suspendido
Pansamantalang suspendido ang biyahe ng Pasig River Ferry simula ngayong araw.
Ito ay dahil sa pagkakaroon ng high volume ng water hyacinths sa Ilog Pasig.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kaligtasan ng riding public, minabuting suspindihin muna ang operasyon.
Sa sandaling maging passable na ang Pasig River ay muling magre-resume ang operasyon.