Disqualification case vs Cagayan Gov. Manuel Mamba ibinasura ng Comelec en banc

Disqualification case vs Cagayan Gov. Manuel Mamba ibinasura ng Comelec en banc

Nangibabaw ang hustisya sa pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa diskwalipikasyon na inihain laban kay Cagayan Gov, Manuel Mamba.

Ito ang pahayag ni Mamba sa naging pasya ng Comelec en banc na ibasura ang petition for disqualification na inihain ng kaniyang nakatunggali na si Zara Lara.

Ayon ka Mamba, ang pasya ng Comelec ay maituturing na tagumpay ng 302,025 na Cagayanos na bumoto at nagtiwala sa kaniya.

Sinabi ni Mamba na batid ng bawat Cagayano na bumoto sa kaniya na wala siyang biniling boto noong nakaraang eleksyon.

Kasabay ng pagpapasalamat sa Comelec ay nangako si Mamba na gagampanan ng mahusay ang tungkulin hanggang matapos ang kaniyang termino sa 2025.

Sa 18-pahinang resolusyon na inilabas ng Comelec En Banc ibinasura ang petisyon Lara dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Dahil dito ay tuluyan ng nabaligtad at isinantabi ang unang resolusyon ng Comelec Second Division na nag-diskwalipika kay Gov. Manuel Mamba.

Sa naturang resolusyon na nilagdaan ni Comelec Chairman Goerge Erwin Garcia at ng anim(6) na Commissioners, walang otoridad o hurisdiksyon ang Comelec na dinggin at resolbahin ang petisyon dahil naihain ito pagkatapos maiproklama si Mamba bilang nanalong gobernador nitong nagdaang May 2022 elections.

Nakasaad sa En Banc resolution na batay sa mga umiiral na mga batas ipinagbabawal na ang anumang petisyon sa diskwalipikasyon ng isang nanalong kandidato oras na ito ay proklamado na. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *