Libu-libong galon ng malinis na tubig ipinamahagi sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro
Namahagi ang Oriental Mindoro Provincial Government ng galon-galong malinis na tubig sa mga residente sa mga lugar sa lalawigan na apektado ng oil spill.
Ayon kay Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor, kasunod ito ng babala ng Department of Health na maaaring makontamina ang tubig sa mga lugar na apektado ng pagkalat ng langis.
Ang kontaminadong tubig ay hindi ligtas inumin at hindi rin ligtas gamitin na panligo.
Inatasan ni Dolor and Bureau of Fire Protection na i-deliver ang mga tubig na maaaring gamiting panligo ng mga residente.
Una nang iniutos ni Dolor sa mga kapitan ng barangay na abisuhan ang mga residente na itigil muna ang apgkuha ng ubig sa mga sources na direct na kumukuha sa ilalim ng lupa sa tabi ng shorelines.
Tiniyak ni Dolor na magsu-suplay ng tubig ang pamahalaang lokal para sa pangangailangan ng mga residente. (DDC)