Suspendido ang pag-iral ng number coding bukas, araw ng Lunes (March 6).
Ito ang naging pasya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bunsod ng isasagawang tigil-pasada ng mga transport groups.
Bukas ang unang araw ng isang linggong tigil-pasada ng grupong “Manibela”. (DDC)