In-person classes puwede pa ring ipatupad kahit may tigil-pasada
Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng Regional Directors at Division Superintendents nito na paghandaan pareho ang pagpapairal ng in-person classes at modular distance learning sa kasagsagan ng tigil-pasada.
Ayon sa DepEd, ang pagpapairal ng in-person classes o modular distance learning sa mga paaralan ay depende sa magiging sitwasyon sa mga lokalidad.
Mainam din ayon sa DepEd na alamin kung ano ang saloobin ng mga estudyante, magulang at guardians sa kung anong learning modalities ang nais nilang isagawa habang mayroong tigil-pasada. (DDC)