MEPS, pinabulaanan na nakipag-ayos sa BTI Payments
Iginiit ng Manila Express Payments Systems (MEPS) na hindi pa tapos ang legal battle nila laban sa BTI-Philippines Inc. (BTI).
Ito’y makaraang lumabas sa isang pahayagan na naplantsa na umano ang gusot sa pagitan ng MEPS at BTI kasunod ng desisyon ng Arbitral Tribunal ng Philippine Dispute Resolution Inc. pabor sa “TouchPay” creator.
Una rito, inatasan ng tribunal ang BTI na bayaran ang MEPS ng higit P13.4 milyon bilang danyos.
Ngunit ayon sa MEPS, may nakabinbin pa silang apela ukol sa usapin.
Sa kabila umano ng findings ng arbitral body na ang BTI ay nangopya ng makina kasabwat ang Electronic Transfer and Advance Processing Inc. (E-TAP), bigo pa rin itong igawad ang claims ng kompanya na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso. Ito ang dahilan kaya umapela sila rito.
Matatandaang napatunayan ng dispute body na ang BTI na pinamumunuan ni Danilo Ibarra ay sinasabing nakipagsabwatan sa E-TAP sa pamemeke ng “TouchPay” na registered utility model ng MEPS at ikinabit ito sa makina ng BTI at sa sarili nitong sistema gamit ang brand name na “Pay & Go”.