Paggamit ng electronic copy ng Professional Identification Card inaprubahan ng PRC
Aprubado na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang paggamit ng electronic copy ng Professional Identification Card (PIC) (e-PIC).
Ayon sa PRC ang e-PIC ay dapat tanggapin at kilalanin sa lahat ng uri ng transaksyon bilang balido at sapat na proof of professional identity and standing ng mga professionals sa ilalim ng PRC.
Sinabi ng PRC na ang e-PIC ay dapat tanggapin bilang valid government-issued identification document ng mga professionals sa kanilang mga transaksyon sa lahat ng national government agencies at institutions, local government units, at iba pa.
Taglay ng e-PIC ang lahat ng impormasyon na taglay din ng physical copy, gaya ng pangalan, profession, registration number, registration date, validity period, at front-facing photograph.
Maaari nang ma-download ang e-copy ng PIC ID sa LERIS account ng mga professional. (DDC)