Special elections sa Cavite, naging payapa ayon sa Comelec
Naging payapa ang idinaos na special election sa ikapitong distrito ng Cavite.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, ilan lamang sa naranasang problema ang pagboto ng mga senior citizen.
Kailangan ayon kay Garcia na mayroong Emergency Accessible Polling Precinct (EAPP) na nasa ground gloor lamang.
Dahil dito sinabi ni Garcia na magsisilbi itong aral sa Comelec.
Ani Garcia, aatasan ng Comelec ang mga munisipyo at lungsod na magsumite ng tinatawag na precinct map kung saan makikita ang maaaring paglagyan ng emergency accessible polling place para sa mga nakatatanda.
Tiniyak ni Garcia na palaging prayoridad ng Comelec ang vulnerable sector. (DDC)