3 beses na pagtatangkang marating ang nag-crash na Cessna Plane sa Mt. Mayon, hindi nagtagumpay

3 beses na pagtatangkang marating ang nag-crash na Cessna Plane sa Mt. Mayon, hindi nagtagumpay

Hindi naging matagumpay ang tatlong beses na pagtatangka ng mga rescuer na mapuntahan na ang Cessna Plane na bumagsak sa slope ng Bulkang Mayon.

Positibo nang tinukoy ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na ang nakitang bagay sa slope ng bulkan ay ang nawawalang Cessna 340.

Bahagi ng sa search and rescue (SAR) team ang mga kinayawan ng CAAP at AAIIB.

Araw ng Martes, (Feb. 21) matapos ilang beses na tangkang mapuntahan ang crash site ay hindi ito nagtagumpay dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa CAAP ang wreckage ay nasa west side slope ng Mayon Volcano at may taas na 3500 hanggang 4000 ft.

Natukoy ang wreckage gamit ang high resolution camera.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy ang kondisyon ng crew at mga sakay ng aircraft. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *