NPA member patay sa engkwentro sa Borongan City, Eastern Samar
Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa mga otoridad sa Borongan City, Eastern Samar.
Nakasagupa ng mga sundalo ng 78th Infantry Battalion (78IB) ang humigit-kumulang siyam na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos iulat ng isang residente ang presensya ng mga ito sa Brgy. San Andres sa nasabing bayan.
Sa nasabing engkwentro ay na-recover ng mga otoridad ang isang M16 rifle at backpack.
Kinabukasan, isa na namang engkwentro ang naganap na nag-resulta sa pagkasawi ng isang hindi pa nakikilang CTG member.
May na-recover din na isang anti-personnel mine at iba’t ibang mga bala.
Umapela naman si Lt. Col. Allan Tria, commanding officer ng 78IB sa nalalabi pang mga miyembro ng NPA sa lugar na sumuko na at magbalik-loob sa pamahalaan. (DDC)