Sablayan Prison and Penal Farm nakiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month
Lumahok ang Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro sa pagdiriwang ng National Arts Month na may temang “Ani ng Sining, Bunga ng Galing” mula Pebrero 1-24 na naglalayong bigyang-importansiya ang mga minana nating sining at kulturang Pilipino.
Bilang bahagi,lumikha ang Persons Deprived of Liberty (PDL) ng mga sining sa pamamagitan ng paintings at handicrafts na itinatampok ngayon sa Sablayan Museum sa kolaborasyon ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, nagtayo rin ng booth na minamandohan ng mga tauhan ng SPPF kung saan ang mga bisita at mahihilig sa sining ay maaaring pag-aralan ang mga likhang sining ng PDL.
Ang naturang aktibidad ay bilang suporta na rin sa mga local artists sa pamamagitan ng pagbebenta sa kanilang nagawang sining sa rasonableng presyo.
Suportado rin ito ni Bureau of Corrections (BuCor) Acting Director General, Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. na malaking tulong upang pag-ibayuhin ang kumpiyansa ng PDL na ipamalas ang kanilang mga talento at kakayahan sa sining. (Bhelle Gamboa)