Biyahe ng mga barko mula Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay suspendido

Biyahe ng mga barko mula Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay suspendido

Sinuspinde ang biyahe ng mgasasakyang pandagat na na mayroong rutang Baseport Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ito ay base sa inilabas na Sea Travel Advisory ng Coast Guard Station Albay.

Nagdudulot kasi ng malakas na alon ang umiiral na amihan sa lugar.

Sakop ng suspensyon ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat.

Ipinagbabawal din ang paglayag ng mga sasakyang pandagat na may timbang na 250 gross tonnage.

Pinayuhan ng PPA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa pamunuan ng MV RMLC Ferry I at MV RRBTC para sa update at karagdagang detalye. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *