Pagbabago sa “Panatang Makabayan” ipatutupad sa mga paaralan – DepEd
Iniutos ng Department of Education (DepEd) ang pagbabago sa ilang terminology sa “Panatang Makabayan”.
Sa inilabas na DepEd Order 004, sa halip na gamitin ang salitang “nagdarasal” ay papalitan ito ng salitang “nananalangin.”
Ayon sa DepEd ito ay batay sa panukala ng Linguistic Society of the Philippines.
Nagkaisa din ang Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Filipino na gamitin ang “nananalangin” dahil ito ay mas inclusive, solemn, at mas madalas na itinuturo ang salitang ito.
Tinukoy din ng DepEd na ang salitang “nananalangin” ay buhat sa wikang Tagalog.
Narito na ang inamyendahang “Panatang Makabayan”:
Iniibig ko ang Pilipinas
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, nananalangin nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.