$13B contributions at pledges nalikom sa pagbisita ni Pang. Marcos sa Japan
Kabuuang $13 billion na kontribusyon at pledges ang nalikom ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang 5-araw na official visit sa bansang Japan.
Sa kaniyang arrival speech sa Villamor Airbase sa Pasay City, sinabi ng pangulo na ang mga bunga ng kaniyang pagbisita sa Japan ay pakikinabangan ng Filipino at makalilikha ng tinatayang 24,000 trabaho.
Sinabi ng pangulo na inaprubahan ng Japan ang loan na 377 billion Japanese Yen o katumbas ng 3 billion dollars para sa pagkumpleto ng infrastructure development projects sa bansa.
Kabilang na dito ang North South Commuter Railway para sa Malolos-Tutuban North South Commuter Railway Project extension at Metro Manila Subway Project.
Ayon sa pangulo, sa sandaling makumpleto ang dalawang nabanggit na proyekto ay makatutulong upang mas mapagaan ang pamumuhay ng mga mamamayan. (Infinite Radio Calbayog/DDC)