Ozamiz City LGU magpapatupad ng “dress code” sa mga empleyado ng City Hall sa Valentine’s Day
Bilang selebrasyon sa Valentine’s Day magpapatupad ng “dress code” sa mga empleyado ng City Hall ang Ozamiz City local government unit.
Ayon sa inilabas na memorandum order ng City Administrator’s Office, ang mga empleyado ay maaaring mamili ng kulay ng damit na kanilang isusuot sa Valentines’ Day, February 14 depende sa status ng kanilang “love life”.
Narito ang kulay na maaaring pagpilian:
RED – in love
ORANGE – happy and thriving
MAROON – single and ready to mingle
GREEN – broken hearted
BLUE – bitter and mourning
WHITE – single and contented
VIOLET – hoping for someone to come
GRAY – Friendzoned!
YELLOW – forever third wheel
BLACK – trying to move on
WORK UNIFORM – Kill Joy