30 magulang ng child laborers sa CDO City tumanggap ng livelihood starter kits

30 magulang ng child laborers sa CDO City tumanggap ng livelihood starter kits

Pinagkalooban ng P30,000 na halaga ng livelihood starter kits ang 30 magulang ng mga child laborers sa Cagayan De Oro City.

Bahagi ito ng Child Labor Prevention and Elimination Program ng Department of Labor and Employment-Northern Mindanao.

Ang pamamahagi ng livelihood starter kits ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DOLE-10 at local officials ng Cagayan De Oro sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).

Ayon kay PESO Manager Kathleen Kate Sorilla ang mga beneficiaries ay pawang mula sa Barangay Cugman, Puntod, Gusa, Consolacion, Camaman-an, Macasandig, Tumpagon, at Besigan.

Layon nitong maiahon ang mga bata sa maagang paghahanap-buhay.
Sa mga susunod na buwan, mayroon png 100 magulang na natukoy ng DOLE-10 bilang benepisyaryo ang nakatakdang tumanggap ng tulong. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *