P1.7M na halaga ng shabu na idineklarang “Antique French Phone”, nakumpiska sa DHL warehouse sa Makati

P1.7M na halaga ng shabu na idineklarang “Antique French Phone”, nakumpiska sa DHL warehouse sa Makati

Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-IATG ang parcel na naglalaman ng shabu sa warehouse ng DHL sa Makati City.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P1.743 million ang halaga ng ilegal na droga na laman ng parcel.

Ang nasabing parcel ay dumating sa Port of NAIA at idineklara bilang Antique French Phone galing ng France.

Pero sa isinagawang physical Customs examination sa parcel nadiskubre na may laman itong 255 grams ng crystalline substance.

Sa PDEA laboratory testing ay nakumpirmang methamphetamine hydrochloride ang laman ng parcel.

Dahil dito ay nagkasa ng
joint controlled delivery operations ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng claimant.

Sasailalim sa custodial investigation ng PDEA ang clamant at maaaring maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Anti-illegal Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization Act (CMTA). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *