23 patay, halos 1,000 sugatan sa forest fire sa Chile
Nasawi ang 23 katao sa forest fire na naranasan sa Chile.
Umabot na sa mahigit 1,100 na katao ang inilikas habang 979 ang naitalang sugatan.
Ayon sa Interior Minister ng Santiago, kumakalat pa ang apoy at nagdeklara na ng emergency order sa Biobio, Nuble at Southern Region ng Araucania.
Malaking bahagi ng nasabing mga lugar ay taniman ng ubas, mansanas at berries.
Nag-alok na ng tulong sa Chile ang mga gobyerno ng Spain, US, Argentina, Ecuador, Brazil at Venezuela para tumulong sa pag-apula ng apoy kabilang ang pagpapadala ng mga bumbero. (DDC)