Lisensya ng SUV driver na umararo sa mga sasakyan sa Mandaluyong babawiin na ng LTO

Lisensya ng SUV driver na umararo sa mga sasakyan sa Mandaluyong babawiin na ng LTO

Inirekomenda na ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Land Transportation Office (LTO) na matanggalan ng lisensya ang driver ng SUV na umararo ng 12 sasakyan sa Mandaluyong City noong Jan. 10 na nagresulta sa pagkasugat ng 13 indibidwal.

Ayon kay LTO-IID officer-in-charge Renan Melitante, nagbigay na ng judicial affidavit si Dominador Braga, 54-anyos, at kanyang inamin na siya ang nagmamaneho ng SUV nang mangyari ang nasabing aksidente.

Dahil dito, natapos na aniya ang imbestigasyon ng LTO at ang ilalabas na desisyon ay ibabase sa mga hawak na ebidensya bukod pa sa pag-amin na rin ng driver.

Si Braga ay kasalukuyang nakapiit sa Mandaluyong City Police Custodial Center matapos mangyari ang insidente.

Ang kaniyang abogado na si Atty. Paul Nicodemes Roldan ang kumatawan kay Braga sa pagdinig sa LTO noong Lunes, Jan. 30.

Kung muling nanaisin ni Braga na makakuha muli ng lisensya ay daraan na ito sa mahigpit na proseso bago maaprubahan.

Nauna nang sinuspendi ng LTO ng 90-araw ang lisensya ng dalawang driver na sakay ng SUV kasunod ng aksidente.

Sinabi pa ni Melitante na sakaling tuluyang mapanagot sa kasong Reckless Driving ang driver ng SUV ay mananagot din sa katulad na parusa ang may-ari ng sasakyan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *