6 sugatan sa aksidente sa Bontoc, Mt. Province
Sugatan ang anim na katao sa aksidenteng naganap sa Bontoc, Mountain Province, Linggo (Jan. 29).
Ayon sa Emergency Operations Center ng Bontoc, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Bontoc-Banaue Road sangkot ang pampasaherong van at pick-up.
Lulan ng van ang 14 na katao kabilang ang driver nito galing ng Manila patungong Buscalan, Kalinga nang makabanggaan nito ang pick-up.
Sakay naman ng pick-up ang apat na katao at patungo ng Ifugao.
Lima ang sugatan mula sa van at isa mula sa pick-up na pawang dinala sa Bontoc General Hospital.
Ang ibang pasahero na nagtamo ng minor injuries ay nilapatan ng first-aid.
Nagpasalamat naman si Bontoc Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr. sa mabilis na pagtugon ng responding team. (DDC)