Mahigit 100 sasakyan hinuli dahil sa pagsakop sa bike lanes

Mahigit 100 sasakyan hinuli dahil sa pagsakop sa bike lanes

Mahigit 100 driver ang nahuli ng mga operatiba ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Caloocan at Quezon City.

Ito ay bunsod ng pagsakop nila sa linya na itinalaga lamang para sa mga bisikleta.

Ang operasyon ay ikinasa ng Task Force para matiyak na ligtas na magagamit ng mga nagbibisikleta ang bike lanes sa EDSA Balintawak, Monumento, Commonwealth at Visayas Avenue.

Ito ay para mas mahikayat din ang marami na tumangkilik sa active transport o pagbibisikleta.

Sa loob lamang ng dalawang magkasunod na araw, maramingdriver ang nahuli dahil sa pagsakop sa bike lanes.

Kinumpiska ang kanilang mga lisensya at binigyan ng Temporary Operator’s Permit.

Paalala ng Task Force sa mga road-users na pahalagahan ang kaligtasan ng mga kababayang tumatangkilik sa active transport. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *