Extension Office ng MARINA bubuksan sa Davao Del Sur
Magbubukas ng Extension Office ang Maritime Industry Authority o MARINA sa bayan ng Malalag sa Davao Del Sur.
Ayon sa MARINA, mailalapit na sa mga residente ng Malalag, Davao del Sur ang mga serbisyo ng ahensya.
Kasunod ito ng pormal na paglagda ng MARINA at ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Malalag sa Deed of Donation para sa lugar na pagtatayuan ng tanggapan ng ahensya.
Lumagda sa nasabing kasunduan si Malalag Mayor Peter Paul Valentin at MARINA Regional Office XI (MRO11) Director Felisa Orongan para sa pagkakaloob ng bahagi ng lote sa Brgy. Baybay na paglalagyan ng MARINA Extension Office. (DDC)