23 pang lugar nakasailalim sa lockdown sa Baguio City

23 pang lugar nakasailalim sa lockdown sa Baguio City

Mayroong 23 pang mga lugar sa iba’t ibang barangay sa Baguio City ang nakasailalim sa lockdown.

Dahil ito sa pagkakaroon ng clustering ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, hard lockdown ang umiiral sa Purok 7 sa City Camp Central at sa Purok 7, Malaya sa Dominican Hill.

Habang lockdown naman ang umiiral sa 21 pang mga lugar.

Kahapon, iniutos din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasara ng buong Rillera Bldg. at ang buong Vanilla Alley sa Baguio City Public Market.

Ang pagsasara ay tatagal hanggang sa Oct. 9 para sa isasagawang disinfection at contact tracing.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *